Add parallel Print Page Options

14 Sa(A) pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo].[a]

Ang Likas at Gawain ni Cristo

15 Si(B) Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14 sa pamamagitan ng kanyang dugo: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.